[sorry, pure tagalog, for I'm really upset]Wala kaming internet connection kahapon, nakalagay e
NO CONNECTIVITY pero naaccess ko yung CANOPY(SMARTbro). Nadedepress ako dahil walang connection kaya pinakialaman ko yung settings.
Kung ano anong ginawa ko pero wala pa rin...
Ngayong gabi, pinakailaman ko ulet, may connection na, kaso bigla mawawala, bigla magkakaroon, tapos mawawala na naman.
Ayun, nag take ako ng risk. Pinakailaman ko na yung ibang settings bukod dun sa Quality of Service, pinakailaman ko yung iba.
Nung in-apply ko yung changes then reboot, di ko na maaccess yung canopy. hehehe, nabasa ko sa forums, once na na-enable mo yung DHCP, (yeah yun yung kaisaisa kong binago, afterwards eh nawala connection sa CANOPY) eh di mo na maaccess yung canopy/antenna.
Tinry ko yung mga tips sa forum, pero wala nangyari. binago ko yung sa services.msc + yung properties ng connection, IP Address etc na nakalagay dun sa forum... wala talaga!
Then, may nabasa ako nanapakahabang FORUM, inabot ako higit 1 hour, tungkol yun sa override plug / resetter... dAMN!!!! ibababa? yung canopy?!!! eh ang taastaas nitong bahay ng tita ko! hindi yata abot kahit dalawang "tangan-tangan/wood ladder"...
waah, mukhang wala na akong magagawa...
sabihin ko na lang kay kuya, kaso imposible naming maakyat yung bubong! kailangan ng ladder na tulad ng sa technician/meralco...
hehehe, once na i-shutdown ko to, mawawala na connection... hehehe, bye!!!!
KALIKUTERO KASI~
